school (is•kúl) 1: páaralán 2: mga mag-aaral 3: pangkat ng tao na magkakatulad ng pananaw, o pananaw sa mundo 4: pangkat ng mga isda, gaya ng pangkat ng lumba lumba, balyena, at iba pa
public utility (páb•lik yu•tí•li•tí) 1: kompanyang naghahatid ng mahahalagang serbisyo sa publiko, gaya ng pagsusuplay ng tubig, gas, at elektrisidad, o nagpapatakbo ng sistema ng telepono o transportas-yon, at karaniwang nakapailalim sa regulasyon ng pamahalaan 2: ang serbisyong ipinagkakaloob ng gayong kompanya.
finishing school (fí•ni•syíng is•kúl) : pribadong kolehiyong pambabae na nagbibigay ng pagsasánay hinggil sa umiiral na moda o estilo, gaya sa pananamit, pananalita, o pag-uugali
public domain (páb•lik dó•meyn) 1: mga lupaing pag-aari ng pamahalaan 2: kalagayan ng imben-siyon, akda, o katulad, na napasó ang karapatang-ari.
public enemy (páb•lik é•ne•mí) 1: tao na mapanganib sa publiko, karaniwang dahil sa mga krimeng nagawâ 2: bansa o pamahalaan na itinuturing na kaaway.
public relations (páb•lik re•léy•syóns) : propesyonal na pagpapa-natili ng mabuting pangalan o ima-hen sa publiko, lalo na para sa negos-yo, politika, at katulad
public address system (páb•lik ád•res sís•tem) : malalakas na ispiker, mikropono, ampliyador, at iba pa na ginagamit para sa maramihang manonood